Sinimulan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang paghahanap sa bagong mentor ng Gilas Pilipinas nang magbitiw si Yeng Guiao bilang head coach ng tropa matapos ang masaklap na kam­panya sa 2019 FIBA World Cup sa China.
File
Sa Gilas coaching job Cone frontrunner?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maraming pangalan ang lumulutang ngunit pinakamaugong si veteran coach Tim Cone sa posibleng maging bagong head coach ng Gilas Pilipinas na sasabak sa mga susunod na international tournaments.

Sinimulan na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang paghahanap sa bagong mentor ng Gilas Pilipinas nang magbitiw si Yeng Guiao bilang head coach ng tropa matapos ang masaklap na kam­panya sa 2019 FIBA World Cup sa China.

At sa paglitaw ng ilang kandidato, nasa unahan ng listahan si Cone na may malalim na karanasan hindi lamang sa coaching job sa PBA maging sa international competitions.

Si Cone ang pinakamatagumpay na coach sa kasaysayan ng PBA tangan ang tumataginting na 21 kampeonato kabilang ang dalawang Grand Slams – noong 1996 kasama ang Alaska at noong 2014 kasama ang San Mig Coffee.

Tatlong beses itong naging Coach of the Year noong 1994, 1996 at 2014.

Sa paghawak ng national team, maganda rin ang record ni Cone.

Dinala nito ang Centennial Team sa kam­peonato sa William Jones Cup noong 1998 habang ginabayan nito ang parehong koponan sa bronze finish sa 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand.

Ito ang huling pagkakataon na nakasungkit ng medalya ang Pilipinas sa Asian Games.

Maliban kay Cone, ilan din sa mga lumulutang na pangalan sina Kiwi Tab Baldwin at dating Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag.

GILAS PILIPINAS TIM CONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with