Pirates, Knights nanalasa
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naka-eskapo ang Lyceum kontra sa St. Benilde, 85-83 habang bumawi naman ang Letran laban sa San Sebastian, 99-82  kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umani si Jaycee Marcelino ng 22 puntos, pitong rebounds, dalawang assists, tatlong steals at isang block habang si Mike Nzeusseu ay tumipak ng 14 puntos at 10 rebounds upang patatagin ang Pirates sa ikalawang puwesto sa 9-3 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang San Beda Red Lions (12-0).

“We struggled a bit in the first half, but we were able to pick it up. We just focused on making stops,” sabi ni head coach Robinson ng Lyceum na haharap sa Letran sa susunod nilang laban sa Sept. 27.

Sa iba pang laro, tinam-bakan ng Letran Knights ang San Sebastian Stags upang makaganti sa ka-nilang 101-102 overtime setback sa unang pagta-tagpo noong Agosto 20.

Humataw si Bonbon Batiller ng 15 puntos, apat na rebounds at tatlong assists para sa Knights. 

Lumapit naman ang Mapua Cardinals sa top four nang muling padapain ang Emilio Aguinaldo Generals, 79-76 upang umusad sa 5-6 record.

Sa juniors’ division, inilampaso ng CSB-LSGH Greenies ang Lyceum Junior Pirates, 95-87 para agawin ang ikalawang puwesto sa 7-4 card.

Ang Junior Pirates ay nalaglag sa ikatlong puwesto sa 7-5 slate.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with