Manny dapat nang magretiro kung ‘di matutuloy ang laban kay Floyd
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung hindi matutuloy ang rematch kay undefea­ted American fighter Floyd Mayweather, Jr., magretiro ka na lang!

Ito ang payo ni Top Rank Promotions chief Bob Arum kay Filipino eight-division world champion Manny Pacquiao.

Itinuturing nang anak ni Arum si Pacquiao na ilang dekada niyang nakasama.

Aminado si Arum na bilib siya sa kapasidad ni Pac­quiao kung boksing ang pag-uusapan.

Magagandang salita rin ang binibitawan ni Arum sa personal na buhay ni Pac­quiao at sa pagiging ma­buting tao.

Kaya ganoon na lamang ang pag-aalala ni Arum para sa dating alaga.

“Pacquiao, I promoted him for many, many years. He’s an exceptionally good human being, really a fine guy, extraordinarily charitable and a delight,” wika ni Arum.

Galing si Pacquiao sa ­pa­nalo kay Keith Thurman para makopo ang World Bo­xing Association (WBA) welterweight crown noong Hulyo.

“But he’s (almost) 41-years-old. And if you’re 41 you can’t take punishment. You can’t take blows like he did in the Thurman fight. Sure, he won that fight - but he took a lot of punishment. That punishment is going to have a serious effect on how he lives the rest of is life,” ani Arum.

Wala pang pinal na desisyon ang Team Pacquiao kung sino ang sunod na ma­kakalaban ni ‘Pacman’.

Ngunit nangunguna sa listahan sina Internatio­nal Boxing Federationg wel­terweight king Errol Spence at World Boxing Council welt­erweight king Shawn Porter na nakatakdang mag­harap sa Setyembre 28 sa Staples Center sa Los Angeles, California.

“If he gets Mayweather, do that fight and retire. If he doesn’t get Mayweather he should retire. It’s not worth it for him to continue boxing,” sabi pa ni Arum.

BOB ARUM MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with