50th WNCAA didribol bukas
MANILA, Philippines — Muling papagitna ang mga kababaihan sa paghataw ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) Season 50.
Lalabanan ng eight-time senior basketball champion na Centro Escolar University ang University of Makati sa alas-2 ng hapon kasunod ang pagharap ng San Beda College Alabang kontra sa University of Asia & the Pacific sa alas-3:30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang lahat ng 15 members schools, kabilang ang bagong miyembrong Assumption Antipolo, ay tatayong co-host ng Season 50 na may temang “Destined for Greatness.”
Ang iba pang miyembro ng WNCAA ay ang St. Paul College Pasig, Philippine Women’s University, De La Salle Zobel, Assumption College San Lorenzo, La Salle College Antipolo, St. Scholastica’s College at St. Stephen’s High School.
Dadalo sa opening ceremony sa alas-10:30 ng umaga si Manila Mayor Isko Moreno bilang guest of honor.
- Latest