Beermen pakay ang semis
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng San Miguel ang isang outrigtht semifinals berth habang pipilitin naman ng TNT Katropa na makabangon mula sa naunang kabiguan sa 2019 East Asia League Terrific 12 sa Tap Seac Multisport Pavilion sa Macau.

Lalabanan ng Beermen ang nagdedepensang Ryukyu Golden Kings ngayong alas-7 ng gabi at haharapin ng Tropang Texters ang Niigata Albirex sa alas-3 ng hapon.

Umiskor ang San Miguel ng 90-76 panalo laban sa Shenzhen Aviators na tinampukan ng team-high 29 points, 8 rebounds at 4 assists ni import  Dezmine Wells noong Martes ng gabi.

Kung tatalunin ng Beer­men ang Kings ay makakamit nila ang outright semifinals seat sa torneo.

Nakalasap naman ang Tropang Texters ng 91-96 kabiguan sa Liaoning Flying Leopards na nagparada kay dating NBA player Lance Stephenson.

Nakahugot ang TNT Katropa kina imports M­cKenzie Moore at KJ McDaniels ng 41 at 32 points, ayon sa pagkakasunod.

Kagaya ng Tropang Texters, natalo rin ang Blackwater Elite kontra sa Seoul SK Knights, 93-77.

Hindi naglaro para sa Elite sina injured starters Mike Digregorio at rookie star Bobby Ray Parks, Jr. habang nahulog sa maagang foul trouble sina import Marqus Blakely at gunner Allein Maliksi.

EAST ASIA LEAGUE SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with