4 teams unahang lumapit sa Finals
MANILA, Philippines — Apat na koponan ang mag-uunahang makuha ang 1-0 bentahe sa paglarga ng PBA D-League Foundation Cup best-of-three semifinals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magtutuos ang Marinerong Pilipino at Technological Institute of the Philippines (TIP) sa alas-3:30 habang magkukrus naman ang landas ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare College at Centro Escolar University (CEU) sa alas-1:30.
Mabilis na pinatalsik ng Skippers ang AMA Online Education sa quarterfinals, 100-78, para makasiguro ng tiket sa semis.
Sa kabilang banda, ini-lampaso naman ng BRT Sumisip-St. Clare ang Hyperwash, 180-117 para maisaayos ang pakikipagtipan sa CEU.
- Latest