Ipinakikita nina (mula kaliwa) Ricky Vargas, PBA Chairman; Manny V. Pa­ngilinan, SBP chairman emeritus; Al Panlilio, SBP President at Renauld Barrios, SBP Executive Director ang FIBA flag na sumisimbolo ng pagiging host ng bansa para sa 2023 FIBA World Cup sa isinagawang press conference sa NAIA Terminal 3 kahapon.
KJ Rosales
European coach sa Gilas?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na kumuha ng European coach na hahawak sa training program ng Gilas Pilipinas para sa 2023 FIBA World Cup na idaraos sa Japan, Indonesia at Pilipinas – bilang main hub ng torneo.

Ayon kay SBP president Al Panlilio, ang naturang aksiyon ay base sa rekomendasyon ni Gilas Pilipinas resigned head coach Yeng Guiao na magsanay ang Pinoy cagers sa Europe bilang bahagi ng paghahanda sa World Cup.

Maganda ang estilo ng basketball sa Europa.

Sa katunayan, dinomina ng Europe ang katatapos na FIBA World Cup kung saan nagkampeon ang Spain habang pumanga-lawa naman ang Argentina at pumangatlo ang France.

“Part of the assessment, if the suggestion given by coach Yeng is that we should adopt with that style of basketball, then we do need a European coach or at least somebody who knows European basketball,” ani Panlilio.

Kailangan na rin aniyang makakuha na ng bagong coach upang agad na masimulan ang programa para sa Gilas Pilipinas.

Hindi maganda ang naging kampanya ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA World Cup sa China kung saan bigo itong makapagtala ng panalo sa limang pagsalang.

Yumuko ang Pilipinas sa Italy, Serbia at Angola sa group stage habang natalo rin ang koponan sa Tunisia at Iran sa classification round para mahulog sa ika-32 puwesto sa final standings.

Dumating sa Pilipinas si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan dala ang FIBA flag na nagsisimbolo ng pagiging host ng bansa sa 2023 FIBA World Cup.

Napanatili ni Pangilinan ang kanyang puwesto sa FIBA Central Board.

Nakatakdang magpulong ang SBP sa pangu-nguna nina Pangilinan at Panlilio upang mapagdesisyunan agad ang papalit sa nabakanteng puwesto ni Guiao.

2023 FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with