Masusubukan ang tikas ng Creamline dahil hindi masisilayan sina Reinforced Conference MVP Alyssa Valdez at playmaker Jia Morado.
Creamline iiwas mapingasan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puntirya ng nagdedepensang Creamline ang ika-10 sunod na panalo sa pagsalang nito laban sa BaliPure sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Open Conference ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang bakbakan ng Cool Smashers at Water Defenders sa alas-4 ng hapon habang magpapang-abot naman ang Pacific Town-Army at Chef’s Classics sa alas-2 at ang Motolite at Philippine Air Force sa alas-6 ng gabi.

Masusubukan ang tikas ng Creamline dahil hindi masisilayan sina Reinforced Conference MVP Alyssa Valdez at playmaker Jia Morado.

Nagpapagaling pa si Valdez sa kanyang ankle injury habang nagtungo na sa Thailand si Morado para makasama ang national pool sa training camp at sa Asean Grand Prix tournament.

Kaya naman mapapalaban ng husto ang Cool Smashers na pamumunuan nina Michele Gumabao, Jema Galanza, Risa Sato, Celine Domingo at Pau Soriano kasama si Kyle Negrito na siyang hahalili sa nabakanteng puwesto ni Morado.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with