SBP solidong line-up ang ikakasa sa SEAG
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang solidong lineup ang ipaparada ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 2019 Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Sa isinumiteng listahan ni SBP president Al Panlilio sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc), binubuo ang 24-man pool ng mga professional at amateur players.

Nangunguna sina Filipino-German Christian Standhardinger at Filipino-American Stanley Pringle sa listahan ng Gilas Pilipinas na magtatangkang maipagtanggol ang korona sa biennial meet.

Pasok din sina Ateneo de Manila University stars Thirdy Ravena at Isaac Go gayundin ang iba pang pro players at collegiate cagers na makakasama ng apat sa kampanya ng Gilas.

Nais ng SBP na mapanatili ng Pilipinas ang dominasyon nito sa SEA Games kung saan 17 sa 19 gintong medalya ang nakuha ng bansa sa nakalipas na edisyon nito.

Nakatakda ang deadline ng ‘entry by name’ sa Setyembre 30.

Posible pang mabago ang listahan ayon kay special assistant to SBP president Ryan Gregorio matapos magbitiw si Yeng Guiao bilang head coach ng national team matapos ang masaklap na kampanya sa katatapos na FIBA World Cup sa China.

Sa oras na pangalanan ang bagong head coach, bibigyan ng SBP ng pagkakataon ang bagong mentor na pumili ng mga pangalan na nais nitong mapasama sa SEAG-bound lineup.

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with