UST pahihigpitin ang kapit sa solo 2nd
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng UST Grow­ling Tigers ang pang-apat na panalo na kontra sa Adamson Falcons habang asam ng UP Figh­ting Maroons ang ikatlong panalo laban naman sa NU Bulldogs ngayon sa pagpapatuloy ng Season 82 UAAP men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kailangan ng Growling Tigers na magwagi laban sa Soaring Falcons sa kanilang pagtatagpo sa alas-12:30 ng hapon upang manatili sa ikala­wang puwesto sa likuran ng nangungunang two-peat champion Ateneo Blue Eagles, ang tanging koponan na hindi pa nakatikim ng talo sa apat na laro (4-0).

Hangad naman ng Figh­ting Maroons ang back-to-back win at third overall sa pakikipagtuos kontra sa nangungulelat na Bulldogs (0-3) sa alas-10:30 ng umaga habang maghihiwalay naman ang FEU Tamaraws (1-2) at De La Salle Green Archers (1-2) sa sosyohan sa ika-limang puwesto sa kanilang engkuwentro sa alas-4 ng hapon.

Galing ang España-based Tigers sa 87-74 overtime win kontra sa Bulldogs noong Linggo kung saan kumonekta si Rhenz Abando ng dalawang triples sa extension period upang pangunahan ang ikatlong panalo sa apat na laro ng tropa ni coach Aldin Ayo. 

UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with