Ian Clark Bautista
Pinoy pugs nalagasan uli
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nasibak si Ian Clark Bautista habang dalawa pang miyembro ng national boxing team ang sasalang para makahirit ng puwesto sa  quarterfinals sa pagpapatuloy ng 2019 AIBA World Boxing Championships na ginaganap sa Yekaterinburg, Russia.

Lumasap si Bautista ng 1-3 split decision loss kay Mirko Jehiel Cuello ng Argentina sa second round ng men’s featherweight (57 kgs.) division.

Pumanig kay Cuello ang tatlong hurado mula Sri Lanka (30-27), England (29-28) at Jordan (29-28) habang tanging ang Algerian judge lamang ang pumabor kay Bautista matapos ibigay ang impresibong 30-27 desisyon.

Nakita ng Italian judge ang laban na tabla sa 28-28 iskor.

Gayunpaman, nananatiling lumilipad ang bandila ng Pilipinas dahil sasalang sina reigning Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial at Cagayan de Oro City pride Carlo Paalam sa kani-kanilang laban.

Sasagupain ni Paalam si Jo Seh Yeong ng South Korea sa third round ng men’s flyweight class (52 kgs.) ngayong araw.

Nakatakda naman ang laban ni Marcial kontra kay Omurbek Bekzhigit ng Kyrgyzstan sa men’s middleweight (75 kgs.).

IAN CLARK BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with