^

PSN Palaro

Saints sasagupa sa Scorpions sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilampaso ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare ang Hyperwash sa bisa ng 180-117 demolisyon upang umabante sa semis ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Paco Arena sa Manila.

Nagrehistro si Cris Dumapig ng double-double na 21 points at 12 rebounds para manduhan ang Saints sa pagpasok sa Final Four kasama pa ang pagwasak sa panibagong rekord sa liga.

Ang 180 puntos na produksiyon ng BRT Su-misip-St. Clare ang bagong highest points na naitala sa liga para tabunan ang 161 points na kanila ring pag-aari at naisumite noong Setyembre 2 nang itarak ng Saints ang 161-122 panalo sa Black Mamba Energy Drink.

Kumana rin ang Saints ng 108 second half points para burahin ang 95 most points scored sa isang half gayundin ang 60-point third quarter ang pinakamarami sa isang quarter na tinabunan naman ang dating 53 points.

Naglista naman sina James Manacho at Japs Bautista ng tig-18 puntos kung saan 11 players ng Saints ang nagtala ng double figures.

“Happy ako na pumasok kami sa semis pero hindi na naman kami na-push to the limit,” ani Saints head coach Stevenson Tiu.

Nanguna para sa Hyperwash si dating Far Eas­tern University standout JR Cawaling na kumana ng 27 points.

Makakasagupa ng Saints sa best-of-three semifinals ang Centro Escolar University.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with