^

PSN Palaro

Tigers, Fighting Maroons nakaeskapo sa overtime

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Tigers, Fighting Maroons nakaeskapo sa overtime
Humakot ng limang gin­tong medalya si Phi­­lip­pine Swimming League ace tanker Marc Bryan Dula ng Masville Na­tional High School-Pa­rañaque para tanghaling Most Outstanding Swimmer sa boys’ 12-year division.
Chris Co

MANILA, Philippines — Nalimitahan ng University of Santos Tomas ang Na­tional University sa apat na puntos sa overtime period upang itakas ang 87-74 panalo sa Season 82 UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumonekta ang Growling Tigers ng tatlong three-point shots sa extension period, ang dalawa dito ay mula kay Rhenz Abando, patungo sa pagsungkit sa kanilang ikatlong panalo at manatili sa ikalawang puwesto sa 3-1 kartada sa likuran ng nagdedepensang Ateneo (4-0).

Ang huling triple ni Abando ng Sto. Tomas, La Union ang nag-angat sa Tigers sa walong puntos, 81-73, sa 2:37 minuto mula sa 70-70 tabla sa regulation period.

“Sinuwerte kami sa dulo. We did not play our game sa first three and a half quarters pero mabuti at nag-pick up ka­mi sa last five minutes ng fourth quarter. Bumuhos pa rin ‘yung mga bata, especially sa last six seconds. While our opponents were celebrating, were able to convert and force it to overtime,” pahayag ni UST coach Aldin Ayo.

Tumapos si Abando na may 21 points, ang 13 dito ay ibinuhos niya sa fourth period hanggang sa overtime na may kasama pang 6 rebounds at 3 assists, habang ang Beninese 6’6 native namang si Soulemane Chabi Yo ay humakot ng 23 markers, 20 boards at 4 asists para bumangon sa kanilang naunang 70-71 pagkatalo sa Blue Eagles noong Miyerkules.

Tumipak din ng 13 points at 6 rebounds si Sherwin Concepcion at may 9 markers, 6 boards at 2 assists si Mark Nonoy para sa panalo ng UST laban sa NU.

Ang Bulldogs, nakatikim ng kanilang ikalawang overtime loss, ay nanatili sa ilalim ng standing sa 0-3 marka.

Sa ikalawang laro, tinakasan ng University of the Phi­lippines ang Adamson University sa overtime, 83-82, para umangat sa ikatlong puwesto sa 2-1 kartada.

Binura ng Fighting Maroons ang seven-point deficit, 75-82, sa huling 2:22 minuto ng extension at hindi pinaiskor ang Falcons kasabay ng paghataw nina Kobe Paras, Jun Manzo at Bright Akhuetie ng 8-0 atake para itakas ang malaking panalo.

Tumipa si Paras ng 20 points para sa UP at nagdag­dag si Akhuetie ng 18 markers.

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with