^

PSN Palaro

Semis tiket ibubulsa ng Saints at Engineers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Semis tiket ibubulsa ng Saints at Engineers
Winalis ng Saints ang anim na laro sa eliminasyon pa­ra makopo ang No. 1 seat.

MANILA, Philippines — Target ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare College at Technological Institute of the Philippines na maibulsa ang huling dalawang silya sa semifinals sa pagsagupa sa magkaibang karibal sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Paco Are­na sa Manila.

Makakatipan ng Saints ang Hyperwash ngayong ala-1:30, habang aariba na­man ang Engineers sa Black Mamba sa alas-3:30.

Armado ang BRT Sumi­sip Basilan-St. Clare at TIP ng ‘twice-to-beat’ advantage matapos manguna sa Group B.

Winalis ng Saints ang anim na laro sa eliminasyon pa­ra makopo ang No. 1 seat.

Kabilang sa mga nabiktima ng BRT Sumisip-St. Clare ang Hyperwash sa pamamagitan ng 129-72 demolisyon.

Ngunit ibang usapan na ang semis.

Kaya naman inatasan ni Saints head coach Stevenson Tiu ang kanyang mga bataan na ibuhos na ang lahat upang makaiwas sa mas kumplikadong sit­wasyon.

“It will be a different story come the quarterfinals and the semifinals. All of our lop­­sided wins will not be carried over. So, we have to start from scratch again,” wi­ka ni Tiu.

Aasahan ni Tiu sina Malian big man Mohammed Pare, captain Junjie Hallare at guard Joshua Fontanilla kasama sina Alfren Batino at Hesed Gabo katapat sina ex-pros JR Cawa­ling, Khazim Mirza at Jeric Fortuna ng Vipers.

Ang mananalo sa pagitan ng Saints at Vipers ang haharap sa Centro Escolar University sa best-of-three semifinals.

Sa kabilang banda, isang buwan na napahi­nga ang TIP at umaasa si En­gineers mentor Potit De Ve­ra na hindi kinalawang ang kanyang tropa laban sa Black Mamba.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with