^

PSN Palaro

Cariaso igigiya ang Aces kontra sa Dyip

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cariaso igigiya ang Aces kontra sa Dyip
Jeffrey Ca­riaso

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Alaska si­na head coach Jeffrey Ca­riaso at import Justin Watts laban sa Columbian sa pagdribol ng 2019 PBA Governor’s Cup sa Bi­yernes sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Magtutuos ang Aces at Dyip sa alas-4:30 ng hapon kasunod ang upakan ng Rain or Shine Elasto Pain­ters at NorthPort Batang Pier sa alas-7 ng gabi.

Ang 47-anyos na si Ca­riaso ang ipinalit ng Alaska kay Alex Compton sa season break.

Ito ang ikalawang pag­ka­kataon na hahawak si Ca­riaso ng koponan bilang coach matapos pamunuan ang Barangay Ginebra no­ong 2014 season.

Makakatapat naman ni Watts sa panig ng Columbian si Khapri Alston.

Sa ikalawang laro ay ita­tampok ng Batang Pier si dating TNT Katropang Texters reinforcement Mychal Ammons kontra kay Joel Wright, dating naglaro para sa Purefoods franchise, ng Elasto Painters.

Ang Star Hotshots ang magdedepensa sa korona ng torneo.

Sa Sabado ay maghaharap ang NLEX at Phoenix sa alas-4:30 ng hapon ka­sunod ang bakbakan ng Star at Meralco sa alas-6:30 ng gabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Mulingt tinapik ng Road Warriors si Olu Ashaolu ka­gaya ni Eugene Phelps ng Fuel Masters.

Si one-time PBA Best Import Allen Durham ang aasahan pa rin ng Bolts katapat si Romeo Travis ng Hotshots.

vuukle comment

JEFFREY CA­RIASO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with