Tokyo, Tokyo
May niluluto daw si Floyd Mayweather, Jr.
Hindi ko alam kung ano.
Pati si Manny Pacquiao wala ding idea.
Nag-post kasi ng video sa Instagram si Floyd na may inaayos daw siyang “exhibition” nilang dalawa ni Pacquiao sa Tokyo, Japan.
Abangan daw.
Dahil hindi sinabi ni Floyd kung anong klaseng exhibition ito ay lalong hindi natin maintindihan kung ano ito.
Agad natin tinext si Senator at mukhang nagulat din siya.
Pero bakit daw exhbition lang kung sakali man na boxing match ito.
“Dapat fight,” ang sagot ni Pacquiao.
May history na si Floyd sa Japan dahil noong huling New Year’s Eve ay lumaban siya doon. Exhbition match din kontra sa isang Hapones na kickboxer.
Three rounds ang schedule ng exhibition match pero mukang tinotoo ni Floyd para safe. Tatlong beses tumumba ang Hapon sa first round at tinigil agad ang laban.
Disappointed ang mga fans.
Kumita raw si Floyd ng $9 million sa 139 seconds. Baka naman ganoon ulit ang gusto ni Floyd. Baka ikinakasa niya si Pacquiao sa deal na hindi man lang nito alam.
Malay mo, humihingi si Floyd ng $20 million. At kapag naikasa niya, eh doon pa lang niya kakausapin si Pacquiao at bibigyan ng $5 million.
Takits nga naman siya.
At dahil exhibition, hindi magagalaw ang 50-0 record niya.
Matalo man siya, puwede niyang sabihin na “exhibition lang naman.”
Genius.
- Latest