France sinibak ang Team USA
(Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng France ang dominasyon ng Amerika matapos itarak ang impresibong 89-79 panalo upang umabante sa Final Four ng 2019 FIBA World Cup na ginanap sa Dongguan, China.

Nagpasiklab si Utah Jazz star Rudy Gobert matapos magtala ng double-double na 21 points at 16 rebounds habang nagparamdam din si Evan Fournier ng 22 mar­kers, limang boards at dalawang assists para pamunuan ang France.

“I’ve been dreaming about this for a while. I was thinking we might never get the opportunity (to beat the USA) again and I told that to the guys,” ani Gobert na two-time NBA Defensive Player of the Year.

Nasayang ang pinaghirapang 29 puntos ni shoo-ting guard Donovan M­itchell para sa Amerika.

Makakasagupa ng France sa semis ang Argentina na ginulantang ang 2014 World Cup silver medallist Serbia sa hiwalay na quarterfinal match.

Pasok din sa semis ang Spain nang patumbahin nito ang Poland, 90-78.

Nagsanib-puwersa ang magkapatid na sina Charlotte Hornets center Willy Hernangomez at Denver Nuggets forward Juancho Hernangomez na may pinagsamang 32 puntos para dalhin ang Spain sa semis.

Makakalaban ng Spain ang Australia na nanaig sa Czech Republic, 82-70.

2019 FIBA WORLD CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with