Makakaharap ng Skippers ang AMA Online Education sa ala-1:30 ng hapon habang titipanin ng Scor-pions ang Asia’s Lashes sa alas-3:30.
Marinero, CEU asam ang semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng Marinerong Pilipino at Centro Escolar University na maibulsa ang unang dalawang silya sa semifinals sa pagharap sa magkaibang karibal nga­yong hapon sa pagsisimula ng 2019 PBA D-League quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakaharap ng Skippers ang AMA Online Education sa ala-1:30 ng hapon habang titipanin ng Scor-pions ang Asia’s Lashes sa alas-3:30.

Parehong armado ang Marinerong Pilipino at CEU ng twice-to-beat card kaya’t isang panalo na lamang ang kailangan ng dalawang top seeded teams sa Group A para makapasok sa Final Four.

Galing ang Skippers sa 88-74 panalo sa Scorpions noong Lunes para makuha ang No. 1 spot sa kanilang grupo tangan ang imakuladang 6-0 marka.

Nahulog naman sa 5-1 ang Scorpions para hawakan ang No. 2.

Determinado rin ang Marinerong Pilipino na bigong makausad sa semis sa nakalipas na kumperensiya – ang kanilang unang non-Final Four appearance sapul nang sumabak ito sa liga noong 2017.

2019 PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with