^

PSN Palaro

BWC national finals gugulong na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Gugulong ang five-day Bowling World Cup na­tional finals ngayon sa Coronado Lanes kung saan kabuuang 80 men at 43 ladies ang mag-aagawan sa titulo pati na sa tiket sa international event na nakatakda sa Nobyembre 16-24 sa Palembang, Indonesia.

Pangungunahan ni four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno at highest center final scorer Kenneth Chua ang kompetisyon sa men’s division.

Sasabak sila sa 12 games na magsisimula sa alas-10 ng umaga habang ang lady finalists, babanderahan nina 2017 BWC international winner Krizziah Tabora at Liza del Rosario, ay sasabak sa 10 games bukas.

Base sa total pinfalls, ang top 34 men at top 34 ladies ay aabante sa second day sa Setyembre 10 (men’s) at Setyembre 11 (ladies) sa Superbowl.

Bitbit ang kanilang mga iskor, magpapagulong ang 34 ladies ng 10 pang laro at ang 34 men ay maglalaro pa ng 12 kung saan magkakaroon ng lane changes matapos ang bawat laro. 

Ang total pinfalls ang magdedetermina sa top 8 ladies at men na muling maglalaro ng 8 games para malaman ang top 4 na lalaban sa semifinal at final rounds.

 Ang men’s at ladies’ champions ang kakatawan sa Pilipinas sa Palembang international finals.

BOWLING WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with