_ngayon
^

PSN Palaro

Cruz dinala ng Aces sa Elite kapalit ni Tratter

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cruz dinala ng Aces sa Elite kapalit ni Tratter
Carl Bryan Cruz
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Matapos sibakin si head coach Alex Compton ay dinala naman ng Alaska si small forward Carl Bryan Cruz sa Blackwater kapalit ni Fil-Am big man Abu Tratter.

Ito ang unang trade na ginawa ng Aces sa ilalim ni bagong coach Jeffrey Cariaso, pinalitan si Compton noong nakaraang buwan, bilang paghahanda sa dara­ting na 2019 PBA Governor’s Cup.

Nauna nang ibinigay ng Alaska si guard Ping Exciminiano sa Rain or Shine para mahugot si Fil-Nigerian playmaker Maverick A­hanmisi.

Ang 6-foot-4 na si Tratter at ang six-footer na si Ahanmisi ang inaasahang makakatuwang nina Vic Manuel, JVee Casio, Sonny Thoss, Chris Banchero at Jeron Teng sa kampanya ng Aces sa season-ending conference na didribol sa Setyembre 20.

Ang Alaska ang ikatlong koponan ni Tratter, naglaro sa UAAP para sa La Salle Green Archers, matapos ang NLEX na pumili sa kanya bilang 7th overall pick noong 2018 PBA Rookie Draft.

Kaagad dinala ng Road Warriors sina Tratter at point guard Paul Desiderio sa Elite para makuha si 6’8 center JP Erram.

CARL BRYAN CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with