PDBF gustong makabalik sa POC
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang ibang hangarin ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) kundi ang makabalik sa bakuran ng Philippine Olympic Committee (POC).

At umaasa silang ma-gagamit ang mata­gumpay na kampanya sa nakaraang World Dragon Boat Racing Championships sa Thailand para muli silang ikunsiderang miyembro ng POC.

“We’re hoping to get back our rightful place in the POC family. It’s about time,” wika kahapon ni PDBF president Nyllressan Factolarin sa 38th “Usapang Sports” na inihandog ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Noong 2011 ay inalis ng POC ang PDBF bilang miyembro.

Idinagdag ni Factolarin na inilatag na ng mga PDBF officials ang kanilang kagustuhang makablik sa POC kay bagong Membership Committee chairman na si Gen. Lucas Managuelod ng Muay Thai Association of the Philippines.

“We have already informed Gen. Managuelod about the issues and he is willing to listen. Right now we are preparing a letter to the POC to inform them about our intention to regain our status as POC member,” paliwanag ni Factolarin.

 Dumalo rin sa weekly forum na suportado ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks sina PDBF secretary-general Atty.Jay Villanueva, coach Suhod Hakim at paddler Enrique Sanchez.

Naniniwala si Villa-nueva na mapapalakas ng PDBF ang kanilang tsansang makabalik sa POC mula sa maganda nilang ipinapakita sa mga sinalihang torneo.

Noong nakaraang linggo ay humakot ang Team Philippines ng apat na gold, dalawang silver at apat na bronze medals sa 14th IDBF World Dragon Boat Racing Championships sa Pattaya, Thailand.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with