Firefly tiwala sa kakayahan ng Ateneo
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas lalong magliliwanag ang kampanya ng reigning champion Ateneo de Manila University dahil makakasama nito ang Firefly LED sa pagdepensa ng titulo sa UAAP Season 82 na magsisimula sa Set-yembre 4 sa Smart Araneta Coliseum.

Napili ng Firefly ang Blue Eagles na isa sa kasalukuyang pinakamalakas na koponan sa liga.

Bukod dito, naniniwala ang kumpanya sa malalim na programa ng Ateneo para sa mga student-athletes nito hindi lamang sa basketball maging sa iba pang sports.

Pormal nang nagka-sundo ang Ateneo at Firefly LED kahapon sa Memorandum of Agreement signing na ginanap kahapon sa Blue Eagle Gym sa A­teneo de Manila University campus.

Naging kinatawan ng Ateneo sina Assistant to the President for University Athletics Fr. Nemesio S. Que SJ at University Athle-tics Director Emmanuel T. Fernandez kasama sina Firefly Electric and Lighting Corporation (FELCO) Marketing Director Erik Riola at Assistant Brand Manager Christine Reyes.

“This is yet a start, hopefully, for a longer partnership we are looking at in the future,” ani Fernandez.

Magiging kaakibat ng Ateneo ang Firefly para sa Season 82 lamang.

Ngunit tiniyak ni Riola na posible pa itong ma-extend sa mga susunod na taon dahil sa magandang programa ng Ateneo.

“Firefly has been sponsoring premiere basketball league for several years now. We consider basketball as one of our equities because it is very much aligned with our core target market,” ani Riola.

Ang Firefly LED ang unang local lighting brand na sertipikado ng TUV SUD. – ang world-renowned German Testing Institute na nagbibigay ng sertipikasyon sa kalidad ng isang produkto.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with