^

PSN Palaro

Skippers may pakay sa Chargers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatargetin ng Marinerong Pilipino na maiselyo ang Top 2 spot sa Group A sa pagsagupa nito sa iWalk ngayong araw sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup sa The Arena sa San Juan City.

Matikas ang Skippers na kasalo ang Centro Escolar University sa liderato hawak ang magkatulad na 4-0 marka.

At kung mananalo ang Skippers sa Chargers sa kanilang duwelo sa alas-3:30 ng hapon, awtomatikong makukuha ng Marinerong Pilipino ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ngunit aminado si Skippers head coach Yong Garcia na daraan sa matinding pagsubok ang kanyang tropa bago mapataob ang Chargers.

“Ang sabi ko nga, mate-test ang team namin. Sa next round, talagang mala-lakas na yung team namin kaya magandang chance ito sa amin na makaharap ng mga beteranong team,” ani Garcia.

Nanguna si Eloy Poligrates sa huling panalo ng Marinerong Pilipino kung saan iginupo nito ang Asia’s Lashes sa iskor na 73-51.

Sa kabilang banda, pakay ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare (3-0) na makuha ang playoff spot sa pagharap nito sa wala pang panalong McDavid-La Salle Araneta (0-3) sa ala-1:30 habang magtatagpo naman ang Hazchem (1-2) at Asia’s Lashes (2-2) sa alas-5:30 ng hapon.

vuukle comment

2019 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with