Gold sa swimming, athletics pag-aagawan ngayon
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Philippines — Kaagad pag-aagawan ang mga gintong medalya sa swimming at athletics competition sa pagsisimula ngayon ng hostilidad sa 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships dito.
Nakalatag ang mga gold medal sa 200-meter Individual Medley, 100m freestyle, 50m backstroke, 50m breaststroke, 100m butterfly, 800m freestyle at 1,500m freestyle sa swimming na idaraos sa Speaker Ramon Mitra Sports Complex.
Bukas sa Day Two ay 12 gold medals naman ang pag-aagawan.
Paglalabanan naman ang mga gintong medalya sa athletics sa boy’s at girls’ 800m, girls’ discus throw at boys’ at girls’ 100m sa nasabi ring venue.
Sa Day Two bukas ay 13 gold medals ang itataya.
Sa cycling sa Sta. Mo-nica Race Track & Palawan International Circuit ay pakakawalan ang gold medal round ng Individual Time Trial at criterium sa cycling competition.
Makulay na opening ceremonies ang sinaksihan ng halos 8,000 athletes at officials para sa 2019 PSC-Batang Pinoy National Championships na pinangunahan nina PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez at Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron.
- Latest