PBA, MPBL nagsanib-puwersa para sugpuin ang game-fixing
MANILA, Philippines — Taliwas sa inaakala ng mga basketball fans, ipinakita ng PBA at MPBL na hindi sila magkaribal.
Nakipagkita sina PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa at league commissioner Willie Marcial kina MPBL CEO at founder Manny Pacquiao at league commissioner Kenneth Duremdes sa layuning labanan ang illegal gambling sa kani-kanilang mga liga.
“Actually, ang usapan namin talaga focused more on illegal gambling,” wika ni Duremdes sa isang online interview. “But this is a good step towards a fruitful partnership between the two leagues.”
Pinag-usapan ng PBA at MPBL ang kanilang mga plano para sugpuin ang game-fixing kasabay ng pagmomonitor sa mga players, coaches, team officials at referees.
Nagbabala si Pacquiao sa mga players, teams at referees tungkol sa game-fixing sa MPBL at kasalukuyan nang nakikipagtulungan sa PBA sa paggamit ng isang platform para sa real time analytics sa correlate calls, scores, performance at bets.
Ayon pa kay Duremdes, mas magkakaroon sila ng komunikasyon ni Marcial kontra sa game-fixing sa kanilang mga liga.
- Latest