Choco Mucho wagi sa Chef’s Classic
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakabalik sa porma ang Choco Mucho nang tustahin nito ang Chef’s Classic sa pamamagitan ng 25-21, 22-25, 25-14, 25-18 desis-yon upang makuha ang ikalawang panalo kahapon sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nagsilbing piloto ng Flying Titans si playmaker Grace Masangkay na nagrehistro ng 37 excellent sets para makaratsada ng husto ang kanilang at-tackers partikular na sina Kat Tolentino, Arianne Angustia, Bang Pineda at Maddie Madayag.

Maliban sa matikas na playmaking skills, na-kagawa pa si Masangkay ng limang puntos upang tulungan ang Choco Mucho na umangat sa solong ikatlong puwesto taglay ang 2-1 marka.

Umiskor si Tolentino ng 18 puntos kabilang ang game-winning crosscourt hit, nagtala naman si Angustia ng 14 hits habang may pinagsamang 22 puntos sina Pineda at Madayag.

Wala pa ring nalulutong panalo ang Chef’s Classic na lumasap ng ikatlong sunod na kabiguan.

Sa Collegiate Confe­rence, namayani ang reigning UAAP champion A­teneo de Manila University matapos payukuin ang San Sebastian College-Recoletos, 25-17, 25-17, 25-8 para manatiling malinis ang rekord nito sa Pool A bitbit ang 2-0 marka.

Muling naasahan ng Lady Eagles si rookie Faith Nisperos na kumana ng 15 puntos buhat sa 11 attacks at apat na aces habang kumana naman si Ponggay Gaston ng 10 markers.

Nanaig din ang NCAA titlist Arellano University nang itakas nito ang 25-23, 12-25, 25-21, 25-21 panalo laban sa Lyceum of the Philippines tungo sa 2-0 baraha sa Pool B.

Pareho namang nahulog sa 0-2 ang Lady Stags at Lady Pirates.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with