Final 12 malalaman ngayon bagsik ng Gilas lutang na lutang na!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakalabas na ang pa-ngil ng Gilas Pilipinas na tila nagpaparamdam na handang-handa na itong sumabak sa matinding giyera sa prestihiyosong 2019 FIBA World Cup na papalo mula Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Kaya naman handa na si Gilas Pilipinas head coach Yeng Guiao na iha-yag ang Final 12 ngayong araw matapos ang tune-up game ng pambansang koponan sa laban sa Adelaide 36ers sa Meralco Gym sa Pasig City.

“I’m not really specifically looking, ‘Kailangan shooter siya.’ Dapat, he needs to be able to understand situations and contribute in those situations,” ani Guiao.

Malaking kawalan sina Marcio Lassiter at Jayson Castro sa koponan.

Ngunit masuwerte si Guiao dahil malalim ang Gilas Pilipinas pool dahil nariyan sina Paul Lee, CJ Perez at Robert Bolick na mga posibleng pumuno sa nabakanteng puwesto ng dalawa.

Sa kanilang unang tune-up game, pinataob ng Gilas Pilipinas ang Adelaide 36ers, 92-83 kung saan kabilang sina Lee, Perez at Bolick sa mga nakatanggap ng positibong komento mula kay Guiao.

“Yung nawala doon sa kina Jayson at Marcio parang nandyan naman kina Paul, CJ at Robert. The rest of the guys really delivered in terms of scoring. Be that outside shooting, or be that attacking the basket,” ani Guiao.

Base rin sa pananaw ni naturalized player Andray Blatche, lumabas na ang bagsik ng Gilas Pilipinas na inaasahang madadala ng koponan sa kanilang kampanya sa World Cup.

Nagtala si Blatche ng 19 puntos, 18 rebounds at siyam na assists sa natu-rang panalo.

Ngunit maliban sa opensa, napuna rin ni Blatche ang solidong depensa ng tropa.

Sa Foshan International Sports and Cultural Center lalaruin ang laban ng Gilas Pilipinas.

FIBA GILAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with