San Juan pinigil ng GenSan
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinalasap ng General Santos City Warriors sa Datu Cup champion San Juan Knights ang kanilang unang kabiguan matapos itakas ang 97-91 panalo sa pagpapatuloy ng 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup noong Biyernes ng gabi sa Muntinlupa City Sports Complex.

Umani si Rob Celiz ng 27 puntos, walong rebounds, tatlong assists, dalawang steals at dalawang blocks habang si Mike Williams ay tumulong ng 23 puntos, anim na rebounds at walong assists upang iangat ang GenSan sa solo second spot sa 9-2 win-loss kartada sa likuran ng nangungunang Davao Occidental Tigers na may 9-1 card sa Southern Division.

Tumipak din ng tig-16 puntos sina Pamboy Raymundo at John Orbeta para tapusin na ang 10-game winning streak ng San Juan Knights, nanatili pa rin ang San Juan sa solo liderato sa Northern Division sa 10-1 slate.

Sa iba pang laro, sinorpresa ng baguhang Bicol Volcanoes ang Muntinlupa Cagers, 90-87 habang nagwagi rin ang expansion team Mindoro Tamaraws kontra sa Soccsksargen Marlins, 91-87.

Umiskor si Francis Ca-macho ng career-high 32 puntos na may kasamang limang rebounds para sa Tamaraws at ihulog ang Soccskasargen sa 0-9 slate sa Southern group.

MPBL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with