Scorpions pinulutan ang Chargers para sa playoff seat
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinulbos ng Centro Es­colar University ang iWalk, 120-84, para masikwat ang silya sa playoffs sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon Ci­ty.

Humakot si Sene­ga­lese big man Malick Diouf ng 29 points, 21 rebounds, 8 assists, 5 blocks at 2 steals upang banderahan ang Scorpions sa pagkopo ng ikaapat na sunod na pa­nalo sa torneo.

Bumida rin si Rich Gui­nitaran na kumana ng 21 mar­kers, habang nagdag­dag sina Kyle Sunga at Eric Tuadles ng 17 at 12 mar­kers, ayon sa pagkaka­sunod, para mapatatag ng CEU ang kapit sa solong pamumuno sa Group A hawak ang 4-0 baraha.

Maagang inilatag ng CEU ang kanilang bangis ma­tapos pamunuan nina Tuadles at Joshua Abastillas ang 9-0 panimula tungo sa 42-24 bentahe sa se­cond quarter,

Napalobo ito ng Scor­pions sa 39 puntos, 116-77, sa hu­ling dalawang mi­nuto ng laro.

Tumipa si Bernie Bre­gondo ng 19 points at 12 re­bounds at naglista si Wowie Escosio ng 14 markers at 6 rebounds para sa Chargers (2-2).

PBA D-LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with