5 gold medals target ng Philippines esports team sa SEAG
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pakay ng Pinoy esports team na masungkit ang li­mang gintong medalya sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ito ang inihayag ni Gerald Sobrepena, ang Marke­ting and Player Development Manager ng Team Li­yab Esports kung saan optimistiko ang koponan na ma­ka­ka­pag-ambag sila ng medalya sa kampanya ng Team Philippines sa 2019 SEA Games.

“Of the six gold medals at stake in the coming SEA Games, I think we can win five of them. I’m being realistic, kaya natin lima,” ani Sobrepena sa lingguhang Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Puspusan na ang paghahanda ng mga Pinoy athletes na babanderahan ng mga top players sa bansa.

Ilan sa mga ipaparada ng Pilipinas ay sina Team Li­yab standouts Kevin Kio “Gambit” Dizon, Jeremiah “1717” Camarillo, Jervan Lorenzo “Bents” Delos Santos at Miguel Klarenz “Miggie” Banaag.

Lalaban ang apat sa Arena of Valor (AoV) event ng esports competitions sa 2019 SEA Games at sasalang si veteran Caviar “Enderr” Acampado sa StarCraft ll.

Lalaruin din sa biennial event ang Dota 2, Mobile Le­gends: Bang Bang, Tekken 7 at Hearthstone na kasama ng AoV at StarCraft ll.

Dalawang Pinoy athletes ang isasalang sa individual games na Tekken 7, Hearthstone at StarCraft ll, samantalang pitong pla­yers ang sasabak sa matinding team events na Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang at Arena of Valor sa 2019 SEA Games.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with