Batangas niresbakan ang Bacoor
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - August 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binura ng Batangas Ci­ty Athletics ang 16-point de­ficit para itakas ang 68-67 panalo kontra sa Bacoor Strikers sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakandula Cup no­ong Martes ng gabi sa Ba­tangas City Coliseum.

Naagaw ni Jason Me­lano ang bola mula kay Mi­chael Caneta ng Bacoor pa­­ra sa game-winning layup ni Mon Rogado sa hu­ling tatlong segundo ng laro upang iangat ang Rajah Cup champion Batangas sa solo 6th spot sa hawak na 5-3 kartada sa Southern Division.

Nahulog naman ang Ba­coor sa solo third spot sa 8-3 marka sa likuran ng nangungunang Davao Oc­cidental Tigers (9-1) at General Santos City Warriors (8-2) sa South.

Nagtala si Melano ng 20 points at 13 rebounds at nagdagdag si Jeff Viernes ng 11 markers at 10 assists para sa Athletics.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Imus Bandera kon­tra sa Nueva Ecija, 75-73, habang inilampaso ng Basilan Steel ang Navotas Clutch, 113-94.

Tumipa si Gab Dadangon ng 20 points, 4 rebounds at 2 assists at si An­thony Bringas ay may 19 markers, 12 boards, 3 as­sists at 1 block para sa pa­nalo ng Ban­dera laban sa Nueva Ecija.

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with