^

PSN Palaro

Gonzaga bumida sa Lady Troopers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nailusot ng Pacific Town-Army ang pahirapang 39-41, 19-25, 25-19, 25-20, 15-12 panalo laban sa Choco Mucho upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Confe­rence kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nakakuha ng lakas ang Lady Troopers kay opposite hitter Jovelyn Gonzaga na nagtala ng 23 attacks at isang ace para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.

Hindi ininda ni Gonzaga ang pagod na galing din sa semifinal game sa Philippine Superliga All-Filipino Con­­ference kung saan nagwagi ang Cignal HD Spikers laban sa reigning champion Petron para ma­ipuwersa ang ‘rubber match’.

Ngunit lumabas ang pagiging beterano ng Lady Troopers sa fifth set kung saan nakuha nila ang 10-6 ka­lamangan sa likod nina Gonzaga, Honey Royse Tubino at Nene Bautista para patumbahin ang Flying Titans, na­lasap ang 1-1 baraha.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with