TIP kinuha ang ‘twice-to-beat’ sa quarterfinals
MANILA, Philippines — Iginupo ng Technological Institute of the Philippines ang Alberei, 105-95, para makatiyak ng Top 2 finish sa Group B ng 2019 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Magarbo ang pagbabalik ni Papa Ndiaye matapos humataw ng 37 points, 18 rebounds at 4 assists sa kanyang unang pagsalang matapos ang ilang linggong pahinga bunsod ng hamstring injury.
Dahil sa panalo ay tumaas ang TIP sa 5-1 rekord para matiyak ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
Nagtala si Bryan Santos ng 28 points, 11 boards, 2 assists at 2 steals at nag-ambag si Ximone Sandagon ng 12 markers.
Sa kabila ng panalo ay hindi pa rin natuwa si TIP head coach Potit de Vera.
Ito ay matapos mag-relax ang kanyang bataan sa fourth quarter dahilan upang mabangasan ang itinayong 18-point lead, 92-74, sa 101-95 sa huling 37 segundo ng laro.
“I’m not happy with today’s ball game. I don’t want to go to the playoffs with the thinking that our players are good enough. We always have to go all out and I just want to keep on doing that,” ani de Vera.
- Latest