TIP pupuntiryahin ang No. 2 spot
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hangad ng Technolo­gical Institute of the Philippines na masiguro ang Top 2 spot sa Group B sa pagsagupa sa Alberei sa 2019 PBA D-League Foun­dation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang duwelo ng TIP at Alberei ngayong ala-1:30 ng hapon.

Hawak ng Engineers ang 4-1 marka para upuan ang ikalawang puwesto sa ila­lim ng nangungunang Saint Clare College na may ma­linis na 3-0 baraha.

Kung makukuha ng TIP ang Top 2 ay makakamit nila ang ‘twice-to-beat’ in­centive sa quarterfinals.

“It’s going to be big for us. We want to have that momentum before going on a long break,” ani Engineers coach Potit de Vera.

Nais ng grupo ni de Ve­ra na magarbong tapusin ang eliminasyon kung saan nakasakay sila sa three-game winning streak kabilang ang 110-99 pananaig sa Black Mamba.

Hindi pa rin makakapag­laro si Senegalese big man Papa Ndiaye na nagpapa­galing ng hamstring injury.

Hangad naman ng Ma­­ri­nerong Pilipino (3-0) na makahirit ng playoffs spot kontra sa Asia’s La­shes Tomas Mo­rato (2-1).

2019 PBA D-LEAGUE FOUN­DATION CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with