Manny Pacquiao
Aquiles Zonio/MP Promotions
Kampo ni Pacquiao ‘di hihintayin si Floyd
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Numero unong prayoridad na maikasa ang Manny Pacquiao-Floyd May­wea­ther, Jr. rematch.

Subalit wala sa plano ng Team Pacquiao na maghintay kung kakasa si May­wea­ther sa panawagan ng buong mundo na rematch.

Nakalinya ang pangalan ng makakalaban ni Pac­quiao.

At handa ang Pinoy champion na sagupain ang sinuman sa kanila para sa pagdepensa ng kanyang World Boxing Association super welterweight crown sa Enero.

“We will fight whoever is presented and try to make entertaining fights for another year into 2020. And that’s even though the Se­nator, at this point in his ca­reer, takes one fight at a time,” wika ni MP Promotions chief Sean Gibbons sa pa­nayam ng World Bo­xing News.

Tiniyak ni Gibbons na handa si Pacquiao sa­kaling magpasya si May­weather na ikasa ang re­match na ki­kita sa takilya.

“Until we get any indica­tion from Floyd, we’re car­rying on. Funnier things have happened in life. You just don’t know when that one day is, maybe the guys get the itch. Maybe he says, ‘I’m tired of people talking about it again,” sabi ni Gibbons.

Nais ni Pacquiao na ma­kabawi sa tinamong una­nimous decision loss sa unang paghaharap nila ni May­weather noong 2015.

Wala na aniyang bala­kid sa pagkakataong ito kum­para sa una nilang la­ban kung saan may shoulder injury ang Pinoy pug.

Paghahandaan ni Pacquiao ang sunod na laban sa Enero subalit wala pang linaw kung sino kina Shawn Por­ter, Mikey Garcia at Danny Garcia ang maka­ka­­sagupa niya.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with