Hernandez hinirang na NCAA Player of the Week
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Rumagasa ang Mapua Cardinals ng tatlong sunod na panalo para sumosyo sa fifth spot sa kanilang 3-5 kar­­tada matapos ang 0-5 pa­­ni­mula sa Season 95 NCAA men’s basketball tour­­nament.

Pinangunahan ni roo­kie Paolo Hernandez ang big­lang pag-angat ng Cardinals matapos humataw ng 11 points, 3 rebounds, 2 assists at 2 steals sa kanilang 76-66 panalo laban sa EAC  Ge­nerals noong Agosto 13 at sinundan ng 83-63 pag­giba sa JRU Heavy Bombers noong Biyernes.

Tumipa ng 20 mar­kers, 5 boards, 3 assists at 2 steals si Hernandez sa na­sabing panalo kontra sa Heavy Bombers.

Ang ibang panalo ng Ma­pua ay sa Arellano Chiefs, 73-64, noong Agosto 10 kung saan nagtala si Hernandez ng 14 points at 7 rebounds.

“Paolo Hernandez, kahit na isang taon lang sa ju­niors ay nakita ko agad ‘yung leadership niya. Nakikita ko that after (Laurenz) Victoria, magiging mukha ng Cardinals si Paolo Her­nandez,” ani Mapua coach Randy Alcantara.

Mula sa kanyang kaba­yanihan ay napili ang 6-foot-3 forward bilang Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week.

Nagposte ang 20-an­yos na si Her­nandez ng mga ave­­rages na 15.5 points, 4.0 rebounds, 2.5 assists at 2.0 steals para sa Cardinals.

BASKETBALL NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with