PH handa nang i-host ang 30th SEA Games--POC
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa tamang direksiyon ang pagtataguyod ng 2019 Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang tiniyak ni Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino dahil plantsado na ang anumang gusot sa pagitan ng kumite ang ibang ahensiyang katuwang nito gaya ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).

“If the primary concern of the SEA Games is to provide our youth to improve their athletic skills through friendly competitions, who are we in the POC to stand on the way of this noble endeavor,” ani Tolentino.

Sisimulan na rin ang paglalagay ng posters sa mga pangunahing lugar upang ipaalam sa buong bansa ang hosting ng SEA Games.

Tututukan ang mga competition hubs gaya ng Clark, Subic, Metro Manila, Laguna, Bulacan, Batangas at Cavite.

Dalawa hanggang tatlong linggo na lamang ang kailangan para pormal nang magamit ang ilang venues na sumasailalim sa renobasyon.

“This Games will also be having the highest number of sports in the history, at 56, but we can also pride ourselves at having the biggest closed door opening ceremony at the 50,000 plus seat Philippine Arena,” dagdag ni Tolentino.

Tiniyak din ni Tolentino na handang-handa na ang mga Pinoy athletes na magpakitang-gilas upang makamit ang inaasam na overall championship title.

Huling itinanghal na overall champion ang Pilipinas nang tumayong host ang bansa noong 2005 kung saan humakot ang national team ng 113 gintong medalya. 

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with