^

PSN Palaro

Capitals bagsak sa Cocolife Tigers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Davao Occidental Tigers sa kanilang pang-walong sunod na ratsada  habang umiskor ng magkahiwalay na panalo ang Zamboanga at Batangas City Athletics sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season noong Biyernes ng gabi sa Pasig Sports Complex.

Sinakmal ng Tigers ang Quezon City Capitals, 90-82 para itaas ang kanilang baraha sa 9-1 sa Southern Division ng 31-team regional tournament.

Inangkin naman ng Zamboanga ang 74-55 panalo kontra sa Parañaque Patriots at binistay ng Athletics ang Pasig Sta. Lucia Realtors, 67-62.

Nang maitala ang 70-43 bentahe sa third quarter ay hindi na nilingon ng Davao Occidental ang Quezon City sa fourth period para sa kanilang panalo.

Nagtala si veteran Mark Yee ng 15 points at 4 rebounds para sa Tigers ni owners Dumper Partylist Congresswoman Claudine Bautista kaagapay sina Cocolife president Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Franz Joie Araque upang giyahan ang kanyang koponan manati-ling nasa ituktok ng team standing sa South Division ng ligang inorganisa ni Senator Manny Pacquiao.

Nakalayo naman ang Zamboanga laban sa Parañaque sa 57-42 patungo sa paglilista ng kanilang 6-4 baraha.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with