^

PSN Palaro

Chef’s Classic giniba Motolite nakabangon agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Malakas ang baterya ng Motolite nang mabilis nitong payukuin ang baguhang Chef’s Classic, 25-22, 25-19, 25-19  upang makabalik sa porma sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Halimaw si dating MVP Myla Pablo na nagpakawala ng 20 puntos galing sa 17 attacks at tatlong blocks para buhatin ang Power Builders sa unang panalo sa dalawang pagsalang.

Nagbigay ng sapat na suporta si Diana Mae Carlos na kumana ng siyam na puntos habang naglista naman sina Isa Molde, Bernadeth Flora at Maristela Layug ng tig-aapat na puntos.

Umabante ang Power Builders sa attack line matapos magsumite ng 37 hits kumpara sa 27 ng Red Spikers.

Liyamado rin ang Motolite sa blocking department hawak ang 8-3 edge. Nakaungos lamang ang Chef’s Classic sa service area, 5-3.

Magandang resbak ito para sa Power Builders na lumasap ng 14-25, 15-25, 14-25 kabiguan sa nagdedepensang Creamline sa kanilang unang pagsalang.

Sa Collegiate Confe-rence, namayani ang St. Benilde sa Far Eastern University, 28-26, 25-22, 25-17 habang nanaig naman ang Ateneo kontra Colegio de San Juan de Letran, 25-16, 22-25, 25-13, 25-20.

Sumalo rin sa selebras-yon ang Adamson University na nagwagi naman sa San Beda University, 25-18, 25-22, 25-16.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with