BanKo Perlas, Motolite reresbak
MANILA, Philippines — Makabawi ang parehong hangad ng Motolite at BanKo Perlas sa pagsagupa sa magkaibang karibal ngayong araw sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.
Titipanin ng Power Builders ang baguhang Chef’s Classic sa alas-4 ng hapon habang aariba ang Perlas Spikers kontra sa Philippine Air Force sa alas-6 ng gabi.
Hindi maganda ang simula ng Power Builders nang yumuko ito sa reigning champion Creamline Cool Smashers noong Miyerkules, 14-25, 15-25, 14-25.
Tanging si Motolite top hitter Myla Pablo lamang ang nagtala ng double fi-gures matapos umani ng 11 puntos sa naturang laro.
Muling maglalatag ng puwersa si Pablo ngunit kailangan nito ng sapat na suporta mula kina Diana Carlos, Maristela Layug, Aie Gannaban, Isa Molde at Filipino-American setter Iris Tolenada.
Sa kabilang banda, babanderahan ang Red Spikers ni dating La Salle standout Justine Tiu kasama sina San Beda stalwarts at twins Nieza at Ella Viray.
- Latest