^

PSN Palaro

Lions matatag sa itaas

Pilipino Star Ngayon
Lions matatag sa itaas
Nailibre ni Ton Ton Peralta ng Perpetual Help ang kanyang tira laban sa nagdedepensang San Beda University sa aksyong ito sa NCAA Season 95.

MANILA, Philippines — Nilapa ng San Beda Red Lions ng mahigit 46 puntos ang Perpetual Help Altas, 102-56 habang pinutol naman ng Lyceum Pirates ang 5-game streak ng St. Benilde Blazers, 74-71, kahapon sa pagpapatuloy ng Season 95 NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Limang players ng Red Lions ang tumapos ng double-digits kabilang na sina AC Soberano at Cameroonian Donald Tankoua na umiskor ng tig-15 puntos bawat isa para sa ika-anim sunod panalo at manatili sa solo top spot sa 6-0 win-loss kartada.

“Credit to my boys for the win. They wanted to prove something. AC (Soberano) made the most of his threes in the fourth. Hopefully, tuluy-tuloy na rin yung kumpyansa niya,” ani SBU coach Boyet Fernandez.

Kaagad kumalas ang Lions sa Altas, 30-17 sa u­nang yugto pa lamang tungo sa 20 puntos bentahe, 47-27 sa first half.

Umabot sa pinakama-laking 52 puntos ang agwat, 102-50 sa huling tatlong minutos ng laro.

Limang season records ang naitala sa malaking panalo ng Lions kabilang na ang season high in points, season high field goals attempts, season high field goals made, season high 3-points made at biggest winning margin sa taong ito.

Hindi rin nagpahuli ang 94th season runner-up Lyceum upang magbigay senyales sa seryosong asam sa titulo sa taong ito. Sa kanilang panalo umangat ang Pirates sa solo second spot sa 6-1 win-loss kartada habang ang Blazers ay nalaglag sa solo third spot sa 5-1 card.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with