Choco Mucho mainit ang simula
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magarbong sinimulan ng baguhang Choco Mucho ang kampanya nito matapos palugmukin ang BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18 kahapon sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina Ateneo de Manila University standouts opposite hitter Kat Tolentino at middle blocker Maddie Madayag para pamunuan ang Flying Titans sa pagkubra ng unang panalo.

Nagtala si Tolentino ng 14 puntos mula sa 10 attacks, dalawang blocks at dalawang aces gayundin ng 10 digs habang naglista naman si Maddayag ng 11 hits tampok ang tatlong aces.

Tumulong si Bang Pineda na gumawa ng walong puntos habang nagtala si playmaker Grace Masangkay ng 18 excellent sets at 13 digs sa larong tumagal lamang ng isang oras at 15 minuto.

Nasilayan din sa u­nang pagkakataon si dating UAAP MVP Manilla Santos-Ng na nakapagtala ng dalawang puntos sa kanyang comeback game.

Huling naglaro si Santos-Ng noong 2009 nang pamunuan nito ang De La Salle University sa kampeonato.

“Hindi muna namin siya palalaruin dahil ipa-pahinga muna yung muscles niya. Siguro kapag may go-signal na pwede na s­iguro,” ani Flying Titans head coach Oliver Almadro na parehong dinala sa kampeonato ang Blue Eagles at Lady Eagles sa UAAP.

Lumasap ng unang kabiguan ang Purest Water Defenders.

Walang manlalaro ng BaliPure ang nagtala ng double digits kung saan parehong nalimitahan sa siyam na puntos sina team captain Grace Bombita at Menchie Tubiera at anim naman ang nagawa ni Shirley Salamagos.  

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 3 ATENEO DE MANILA UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with