Bolick, Blatche bumida sa 3rd place finish ng Gilas
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa PBA hanggang sa international tournament ay hindi mapigilan ang magandang ipinapakita ni rookie guard Robert Bolick.

Nakipagtambal si Bolick kay naturalized player Andray Blatche para pamunuan ang Gilas Pilipinas sa 73-63 panalo kontra sa Ivory Coast at angkinin ang third place trophy ng Torneo de Malaga kahapon sa Pabellon Martin Carpena sa Spain.

Nagsalpak si Bolick ng team-high 19 points, kasama rito ang 10 sa first half kung saan sila nagtuwang ng 6-foot-11 na si Blatche patungo sa panalo ng Gilas.

Kumolekta si Blatche ng 18 points, 18 rebounds, 4 assists at 3 steals para sa Nationals na tinapos ang kanilang 10-day training camp sa Spain.

Nakatakdang umuwi ang tropa ngayong araw para ipagpatuloy ang ka­nilang paghahanda sa d­rating na 2019 FIBA World Cup sa Agosto 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

“The short tournament enabled us to gain confidence as we enter the last two weeks of preparation for the FIBA World Cup,” sabi ni national team head coach Yeng Guiao.

Nauna nang winalis ng Gilas Pilipinas ang kanilang dalawang tune-up m­atches laban sa Congo, 102-80 at Ivory Coast, 94-83 sa Guadalajara bago sumabak sa four-country pocket tournament sa Malaga.

Nagmula ang N­atio­nals sa 71-82 kabiguan sa Congo noong Sabado na naglaglag sa kanila sa third place battle laban sa Ivory Coast.

Isang 12-5 atake ang pinamunuan nina Bolick at Blatche para kunin ng Gilas Pilipinas ang 11-point lead, 36-25  laban sa Ivory Coast bago ang halftime.

Pinalaki pa ito ng Nationals sa 50-38 sa hu­ling tatlong minuto ng third quarter.

Mula rito ay hindi na nakalapit ang Ivory Coast.

ANDRAY BLATCHE ROBERT BOLICK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with