Papalo ang bakbakan ng Blaze Spikers at Tornadoes sa alas-6 ng gabi matapos ang engkuwentro ng F2 Logistics at PLDT Home Fibr sa alas-4.
facebook
Petron gustong mag-No. 1
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines —  Target ng nagdedepensang Petron na magarbong tapusin ang eliminasyon sa pagharap nito sa mapa­nganib na Foton sa pagdayo ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Corpus Christi Gym sa Cagayan de Oro City.

Papalo ang bakbakan ng Blaze Spikers at Tornadoes sa alas-6 ng gabi matapos ang engkuwentro ng F2 Logistics at PLDT Home Fibr sa alas-4.

Sariwa pa ang Blaze Spikers sa matamis na 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6 panalo laban sa Cargo Movers noong Huwebes upang makuha ang solong pamumuno tangan ang 12-1 marka.

Kung mananalo ang Blaze Spikers sa Tornadoes, awtomatiko nitong makukuha ang top s­eeding sa quarterfinals kung saan makakaharap nito ang wala pang panalong Marinerang Pilipina.

“The whole team is inspired and we will deliver our best here in Cagayan de Oro City because a lot of volleyball fans are w­atching. Hopefully, we can continue our best so the fans will enjoy the game,” ani Petron mentor Shaq Delos Santos.

Aasahan ng Blaze Spikers sina Sisi Rondina at Bernadeth Pons na malaki ang kontribusyon sa kanilang panalo laban sa Cargo Movers.

Makakasama ng dalawa sina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimaculangan, Ces Molina at Denden Lazaro.

Ngunit hindi ito magi­ging madali para sa Petron dahil desidido ang Foton na makalikom ng panalo upang sumampa sa No. 3 spot.

Mamanduhan ang  Tornadoes nina Jaja Santiago at Dindin Manabat kasama sina Elaine Kasilag, Shaya Adorador at Marian Buitre.

PETRON PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with