^

PSN Palaro

TNT Katropa babawian ang SMBeer

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT Katropa babawian ang SMBeer
Umiskor si Ross ng 25 points habang may 19 markers si Cabagnot sa 127-125 double overtime win ng Beermen kontra sa Tropang Texters sa Game Two ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals noong Miyerkules.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

7 p.m. San Miguel vs TNT Katropa (Finals, Game 3)

MANILA, Philippines — Maliban kay import Chris McCullough, si­nan­digan din ng San Miguel sina veteran guards Alex Cabagnot at Chris Ross para makabawi sa TNT Katropa sa kanilang championship series.

Umiskor si Ross ng 25 points habang may 19 markers si Cabagnot sa 127-125 double overtime win ng Beermen kontra sa Tropang Texters sa Game Two ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals noong Miyerkules.

Bumangon ang San Miguel mula sa naunang 96-109 kabiguan sa Game One para itabla sa 1-1 ang kanilang best-of-seven championship series.

“We just have to keep the faith, keep our head down, stay humble, continue to always try to manifest different schemes, and hopefully our fortunes take a turn,” sabi ng 36-anyos na si Cabagnot.

Pag-aagawan ng Beermen at Tropang Texters ang 2-1 bentahe sa kanilang duwelo sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humataw si McCul­lough ng 32 points kasunod ang 29 markers ni Terrence Romeo, umiskor ng 16 sa first half kung saan itinala ng San Miguel ang 17-point lead laban sa TNT Katropa.

Si Romeo ang nagtulak sa Beermen sa unang overtime habang si Cabagnot ang pumuwersa sa ikalawang extra period.

“We’re preparing for another tough game, a dogfight. We just gotta go out there and do everything we gotta do to get the win,” sabi ng 24-anyos at 6-foot-8 na si McCullough, humakot ng 22 rebounds.

Tumapos naman si import Terrence Jones na may 28 points, 13 rebounds, 7 assists, 5 steals at 3 blocks para sa Tropang Texters bago nasibak sa huling 21 segundo ng ikalawang overtime dahil sa ikalawang technical foul.

Ikinapikon ng 28-anyos na si Jones ang ginawang pagbabantay sa kanya ni 6’8 Fil-German forward Christian Standhardinger.

Maliban kina McCul­l­ough, Romeo, Ross at Cabagnot ay muli ring aasa ang San Miguel kina five-time PBA MVP June Mar Fajardo at Arwind Santos katapat sina Jones, Jayson Castro, Troy Rosario, RR Pogoy at Biran Heruela ng Katropa.

SAN MIGUEL VS TNT KATROPA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with