Umaasa si HD Spikers head coach Edgar Barroga na mawalis ang kanilang huling mga laro upang makuha ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.
Ernie Peñaredondo
PLDT , Cignal magkakasubukan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kapwa magtatangka ang Cignal at PLDT Home Fibr na palakasin ang kanilang tansa na makuha ang twice-to-beat card sa quarterfinals sa kanilang pagtutuos ngayong araw sa 2019 Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Muntinlupa Sports Center.

Lalarga ang duwelo ng HD Spikers at Power Hitters sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng reigning champion Petron at Marinerang Pilipina sa alas-4:15 ng hapon.

Nakatungtong ang Blaze Spikers sa No. 2 spot hawak ang 10-1 baraha sa likod ng nangungunang F2 Logistics na may imakuladang 11-0 baraha.

Sosyo naman ang Foton at Generika-Ayala sa ikatlo bitbit ang parehong 7-5 kabuntot ang Cignal na may 6-6 at PLDT na may 4-7.

Sariwa pa ang HD Spi­kers sa masaklap na  24-26, 25-19, 24-26, 25-18, 14-16 kabiguan sa Lifesa­vers kaya’t maalab ang tropa na makabawi at makabalik sa porma lalo pa’t nalalapit na ang quarterfinals..

Umaasa si HD Spikers head coach Edgar Barroga na mawalis ang kanilang huling mga laro upang makuha ang twice-to-beat incentive sa quarterfinals.

“We have to move on from that loss because we still have two remaining games. Those games are important. We need to be in a good standing ente­ring the quarterfinals,” ani Barroga.

CIGNAL PHILIPPINE SUPERLIGA ALL-FILIPINO CONFERENCE PLDT HOME FIBR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with