Tolentino inisnab ng Exec. Board
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Simula na ng pagsakit ng ulo ni bagong Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino.

Ito ay matapos isnabin ng mga miyembro ng POC Executive Board ang ipina­tawag niyang pulong kaha­pon kung saan tanging si POC chairman Steve Hon­tiveros ang dumating.

“The executive board meeting was called immediately after last Sunday’s elections, therefore it is wi­thin bounds of the POC po­licies,” wika ni Tolentino.

Ang POC president o chairman ay maaaring tu­mawag ng legitimate exe­cutive board meeting sa isang five-day notice.

Isang 10-day notice naman ang kailangan para sa isang General Assembly.

“Therefore, the meeting was called ‘not on short notice,” ani Tolentino, magta­takda ng POC General As­sembly sa Agosto 13 sa Dia­mond Ho­tel sa Roxas Bou­levard para ayusin ang na­sabing is­yu. “I will be bri­nging this issue to the GA.”

Determinado si Tolenti­no, pumalit sa nagbitiw na si Ricky Vargas, na linisin ang hanay ng POC.

Maliban kina Tolentino at Hontiveros, ang ibang du­malo sa pulong ay sina Var­gas, reinstated secreta­ry general Patrick Gregorio at board member Cynthia Carrion.

Samantala, hinirang naman ni Tolentino sa kanilang mga puwesto sina Gregorio bilang deputy, Richard Go­mez at Col. Managuelod (mem­bership), Atty. Agra at Atty. Billy Sumagui (legal) at Var­gas (constitutional commission).

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with