Mga atletang kayang manalo ng ginto isasabak sa SEA Games
(Pilipino Star Ngayon) - August 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mga ‘deserving athletes’ lamang ang dapat isa­bak ng Pilipinas sa pa­mamahala sa darating na 30th Southeast Asian Games.

Ito ang sinabi ni Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ra­mirez sa mga National Sports Associations na mag­lalahok ng mga atleta sa SEA Games na naka­takda sa Nobyembre 31 hanggang Disyembre 11.

“Only those who deserved to be in the Philip­pine Team should be inclu­ded in the lineup,” wika ni Ramirez.

Bilang Chef De Mission ng Team Pilipinas ay bu­busisiin ni Ramirez nang hus­to ang mga atletang isa­salang ng mga NSAs sa nasabing biennial event.

“I think all NSA’s has their own criteria in selec­ting athletes, but for the SEA Games scrutinized din namin ito. Hindi puwedeng ila­gay mo walang sasandalan na record,” ani Ramirez.

Sa entry by numbers na isinumite ng Philippine Olympic Committee sa SEA Games Federation ay umabot sa 1,245 atleta (712 lalake at 533 babae) ang lalahok sa kabuuang 56 events.

“President (Rodrigo) Du­terte has instructed us to make sure that only the best will be in the National Team. Walang palakasan,” wi­ka pa ni Ramirez.

Samantala, sasalain din ng grupo ni Ramirez ang mga Fil-Foreign athletes na sasabak sa 2019 SEA Games.

Kabilang dito ang mga atleta ng athletics.

“They should proved they’re worthy for the people’s money. Hindi dahil ini­­rekomenda ni ganito o ni ganyan, isa­sama na natin sa team. Hin­di puwede iyan,” ani Ramirez.

Halos 67 percent ng mga Pinoy athletes ay nagsasanay ngayon sa ibang bansa.

Ayon kay Ramirez, ma­giging mahigpit ang PSC sa  pagbibigay ng pondo para sa SEA Games.

“Kapag nakita naming hindi pasok sa COA regulation or sobra sa luxury, hindi na­min ito aprubahan,” sabi ni Ramirez.

ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with