Tumagal ng dalawang minuto at 16 na segundo ang laban bago nanaig ang Amerikano.
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr
Folayang suko kay Alvarez sa Round 1
James Relativo (Philstar.com) - August 2, 2019 - 10:30pm

MANILA, Philippines — Bigong makuha ng dating ONE lightweight world champion na si Eduard Folayang ang tagumpay laban kay dating UFC lightweight world champion Eddie Alvarez Biyernes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

 

Umabot lamang ng isang round ang laban ng dalawa bago tuluyang sumuko ang Filipino fighter mula Team Lakay.

Tumagal ng dalawang minuto at 16 na segundo ang laban bago nanaig ang Amerikano.

Ito ang kinalabasan ng bakbakan kahit na nadomina ni Folayang ang kalaban sa mga unang yugto ng match.

Sumuko si Folayang matapos mahuli sa rear-naked choke.

Dahil sa resulta, sigurado nang tutungo sa finals ng lightweight world grand prix si Alvarez.

Parehong nanggaling sa talo ang dalawa.  Nabitawan ni Folayang ang ONE lightweight title kay Shinya Aoki nitong Marso 2019 sa pamamagitan din ng submission, habang natalo naman ni Timofey Nastyukhin si Alvarez sa kanyang ONE debut match sa parehong buwan.

DAWN OF HEROES EDDIE ALVAREZ EDUARD FOLAYANG ONE CHAMPIONSHIP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with