TNT nakauna
Pinilit ni Ginebra guard Stanley Pringle na makalusot laban kay TNT Katropa import Terrence Jones sa Game 1 ng best-of-five semis wars.
Joey Mendoza

TNT nakauna

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - July 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mula sa 10-point deficit sa third period ay nakaba­ngon ang TNT Katropa sa fourth quarter.

Sapat na ito para angkinin ng Tropang Texters ang 95-92 panalo laban sa nagdedepensang Ginebra Gin Kings sa Game One ng kanilang semifinals series sa 2019 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Sobrang thankful ako sa trust ng mga coaches at teammates ko,” sabi ni Troy Rosario, nagtala ng 24 points kagaya ni import Terrence Jones para sa 1-0 abante ng TNT Katropa sa kanilang best-of-five semifinals duel ng Ginebra. “Hindi lang naman si Terrence ang inaasahan namin. Sa practices sinusubukan naming ma-involve ‘yung ibang teammates namin.”

Nauna nang kinuha ng Tropang Texters ang 45-38 abante mula sa three-point shot ni Rosario sa 4:48 minuto ng second quarter bago umarangkada ang Gin Kings sa third period sa pagtatayo ng 10-point lead, 72-62 sa huling 4:38 minuto nito.

Ngunit hindi sumuko ang TNT Katropa at sa halip ay inagaw ang 93-89 abante tampok ang fastbreak basket ni Jones sa huling 1:30 minuto ng final canto.

Huling nakadikit ang Ginebra sa 92-93 mula sa drive ni Pringle at split ni import Justin Brownlee sa nalalabing 39 segundo.

Samantala, sisimulan ng Beermen ang kanilang best-of-five semifinals showdown ng Rain or Shine Elasto Pain­ters sa Game One nga­yong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

 

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP TNT KATROPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with